Incentives ng SEAG medalist ipinamigay na ng PSC
MANILA, Philippines - Natuloy ang pamimigay ng pinansyal na insentibo ng PSC sa mga nanalong atleta sa 27th SEA Games kahapon nang sumang-ayon dito ang isang PAGCOR officials.
Nakausap ni PSC chairman Ricardo Garcia si PAGCOR Assistant Vice President for community relations Henry Reyes at binigyan nito ng go signal ang plano ni Garcia na abonohan ng pinangungunahang ahensya ang perang ipantutustos sa insentibo.
Tumapos ang 210 Pambansang atleta bitbit ang 29 ginto, 34 pilak at 38 bronze medals sa kompetisyon ngunit sapat lamang ito para malagay sa ika-pitong puwesto ang Pilipinas.
“Yes, we will advance the money and we are already making the checks,†wika ni Garcia na binanggit pa na nasa P7.695 mil-yon ang kabuuang halaga ng insentibo.
Halagang P100,000.00, P50,000.00 at P10,000.00 ang ipagkakaloob ng pamahalaan sa bawat ginto, pilak at bronze medals na napanalunan sa SEA Games base sa Republic Act 9064 o kilala rin bilang Incentives Act.
Sina golfer Princess Superal at trackster Archand Christian Bagsit ang lalabas na natatanging multiple gold medalists ng bansa matapos manalo sa individual at team event si Superal habang sa individual 400m at sa 4x400m relay kuminang si Bagsit.
Pero hindi sila ang tatanggap ng pinakamalaking insentibo dahil ang taguri ay nakuha ni lady cue artist Rubilen Amit na may iuuwing P150,000.00 mula sa isang gold sa 10-ball at isang pilak sa 9-ball events.
- Latest