May bagong logo ang hornets

MANILA, Philippines - Ipinakita na ni Bobcats owner Michael Jordan ang bagong pagkakakilanlan sa Charlotte Hornets na gagamitin pagkatapos ng kasalukuyang season.

Ipinakilala ni Jordan ang bagong logo ng koponan at word mark gayundin ang walong alternatives sa isang halftime ceremony  nitong Sabado ng gabi at sinabi niyang, “You guys asked and we delivered.”

Tampok sa primary logo ang purple na ginagamit ng dating Charlotte Hornets mula noong 1988-2002 at nilagyan ng agresibong hornet na matalas ang tingin, nakataas ang antena, mas malapad na pakpak at matulis na stinger.

Sa logo makikita ang basketball na bahagi ng katawan at nakasulat ang salitang Hornets dito. Ang Bobcats ay opisyal na naging Hornets isang araw matapos ang kanilang final game noong nakaraang season.

Show comments