MANILA, Philippines - Hinamon ni dating two-time world female super bantamweight queen Ana ‘Hurricane’ Julaton sina world champions Yesica Marcos ng Argentina at Jackie Nava ng Mexico para labanan sa kani-kanilang bansa.
Sinabi ng trainer ni Julaton na si Angelo Reyes na hindi dapat matakot sina Marcos at Nava sa Fil-Am kung tunay silang mga kampeon.
Nawala kay Julaton ang kanyang WBO 122-pound belt matapos matalo kay Marcos sa isang unanimous 10-round decision sa Mendoza, Argentina noong nakaraang taon.
Ngunit gumawa ng ingay si Julaton bilang tanging fighter na nakapagpabagsak kay Marcos.
Hindi pa lumalaban si Marcos sa labas ng Argentina at nagtala ng 22-0-2 record, kasama dito ang 7 KOs.
Nagtungo naman si Julaton sa Mendoza, Argentina para itaya ang kanyang korona laban kay Marcos kung saan siya natalo.
Matapos talunin si Julaton, inangkin naman ni Marcos ang WBA crown na binakante ni Nava matapos manganak. Dalawang linggo na ang nakaraan ay napanatili ni Marcos ang kanyang WBA title nang talunin si Angela Marciales ng Colombia.
“Yesica fought a terrible opponent and won easily,†ani Reyes.