Mabenta pa rin ang jersey ni Lebron

NEW YORK -- Ang National Basketball Association (NBA) reigning Kia NBA MVP na si LeBron James ng Miami Heat pa rin ang No.1 sa listahan ng top-selling jerseys ng liga.

Sa listahan sa overall sales ng adidas at NBA-Store.com mula October 2013 hanggang December 2013 nakita ang record-breaking holiday season jersey sales.

Kabilang sa top five ng pinakamalaking benta ng jersey ay kina LA La-kers star Kobe Bryant (No. 2), Derrick Rose ng Chicago Bulls (No. 3), Kevin Durant ng Oklahoma City Thunder (No. 4) at Carmelo Anthony (No. 5) ng New York Knicks.

Show comments