8 sunod na panalo ikinamada ng Thunder
OKLAHOMA CITY – Umiskor si Kevin Durant ng 32 points nang igupo ng Oklahoma City Thunder ang Chicago Bulls, 107-95 nitong Huwebes para sa ikawalong sunod na panalo.
Nagtala si Russell Westbrook ng 20 points at nagdag-dag si reserve Reggie Jackson ng 18 para tulungan ang Thunder na sumulong sa 13-0 sa Chesapeake Arena.
Ang Oklahoma City ang tanging NBA team na may perfect home record.
Nagtala si Joakim Noah ng 23 points at 12 rebounds para sa bugbog nang Bulls na natalo ng apat na sunod at pito sa 8-laro.
Umiskor si Taj Gibson ng 16 points habang nagdagdag si D.J. Augustin ng 15.
Lumaro ang Chicago na hindi kasama si Kirk Hinrich (naninigas ang likod) at Luol Deng (namamagang Achilles) at iniwan naman ni Jimmy Butler ang laro dahil sa right ankle injury.
Lumamang ang Thunder ng 15 sa opening minute ng fourth quarter, bago naibaba ng Bulls ang kanilang deficit sa pito sa tres ni Augustin, may 8:50 minuto na lang ang natitira.
Humataw naman ang Oklahoma City ng 16-4 produksiyon sa huling 5 1/2 –minuto para makalayo.
Ang 14-puntos na kalamangan ng Oklahoma ay nai-baba sa tatlo na siyang dahilan para kumayod ang Thunder sa third quarter.
- Latest