Texters lusot sa Barako

MANILA, Philippines - Muntik nang pagbayaran ng Tropang Texters ang kapabayaan nila sa depensa.

Nakabalik sa kanilang porma matapos mapa-kawalan ang 23-point lead sa first half, tinalo ng three-time defending champions na Talk ‘N Text ang Barako Bull sa overtime, 87-80, para patuloy na hawakan ang ikatlong puwesto sa 2013-2014 PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“I’m not sure if we’ve found the solution to their zone defense,” sabi ni Tropang Texters’ head coach Norman Black sa ginamit na depensa ng Energy. “We certainly struggled with their zone defense.”

Kumolekta si point guard Jayson Castro ng 23 points, ang anim dito ay sa overtime period, 9 assists at 6 rebounds para sa nagdedepensang kampeon.

Nakapuwersa ng extension ang Energy matapos isalpak ni two-time PBA Most Valuable Player Willie Miller ang tres para makatabla sa Tropang Texters sa 71-71 sa huling 29 segundo.

Matapos ang tres ni Ranidel De Ocampo na naglagay sa Talk ‘N Text sa 83-80 sa 1:05 ng extra period ay naimintis naman ni Miller ang kanyang tatlong free throws na siya sanang nagdikit muli sa Barako Bull sa natitirang 45.5 segundo.

Samantala, hangad ng Petron Blaze ang kanilang ika-walong dikit na panalo sa pagharap sa Rain or Shine ngayong alas-5:45 ng hapon sa Mall of Asia Arena.

Hangad naman ng Ginebra ang kanilang ikaapat na sunod na arangkada sa pakikipagtagpo sa Alaska sa alas-3:30. (RC)

Talk ‘N Text 87 - Castro 23, De Ocampo 17, Fonacier 13, Williams 10, Seigle 9, Carey 6, Baclao 4, Aban 3, Anthony 2, Celiz 0, Reyes 0, Poligrates 0.

Barako Bull 80 - Miller 16, Intal 14, Pennisi 11, Jensen 10, Miranda 10, Pena 7, Buenafe 5, Maierhofer 3, Lastimosa 2, Isip 2, Wilson 0, Marcelo 0, Labagala 0.

Quarterscores: 18-7; 39-19; 57-44; 71-71; 87-80 (OT).

 

Show comments