MANILA, Philippines - Kasalukuyang sumasakay sa isang three-game winning streak ang Globalport.
At hindi ito mahalaga para kay Fil-American point guard Sol Mercado, ayon kay rookie coach Ritchie Ticzon.
“We won’t even look at the record. What we want for them is to play as hard as possible, give their 100 percent effort every game,†ani Ticzon. “As Sol said, ‘We don’t care about the wins and the losses. What we care about is being together.’ We’ll keep on working very hard and the wins will just come.â€
Target ang kanilang pang-apat na ratsada, haharapin ng Batang Pier ang San Mig Coffee Mixers ngayong alas-8 ng gabi matapos ang salpukan ng three-time defending champions na Talk ‘N Text Tropang Texters at bumubulusok na Barako Bull Energy sa alas-5:45 ng hapon sa Philipine Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ang mga pinayukod ng Globalport ay ang Meralco, 93-89, Rain or Shine, 90-88 at ang Alaska, 94-84.
Sinabi ni Ticzon na patuloy pa rin silang nagdye-jelling sa kabila ng naiposteng tatlong dikit na panalo.
“Iyong jelling namin – it’s just a matter of time. Hinihintay lang naming makapag-jell ‘yung team, magsama-sama ng mas matagal,†wika ni Ticzon sa Globalport.
Sa unang laro, aasamin ng Tropang Texters ang kanilang ikalawang dikit na panalo sa pagharap sa Energy, nahulog sa isang five-game losing skid matapos maglista ng 2-0 panimula.
Nanggaling ang Talk ‘N Text ng 90-87 panalo kontra sa Rain or Shine noong Disyembre 17.