Naka-2 gold si Bagsit

NAY PYI TAW – Isa na namang impresibong performance ang ipinamalas ni Archand Christian Bagsit  para maging unang Pinoy na naka-dalawang gold medal sa 27th Southeast Asian Games.

Sa pautay-utay na gold na nakukuha ng mga Pinoy athletes, nakipagtulungan si Bagsit kina Isidro del Prado Jr., Edgardo Alejan at Julius Nierras para makopo ang gold sa men’s 4x400 relay kahapon sa Wunna Theikdi Sports Complex dito.

Nagtala ang mga Pinoy runners ng 9.32 segundo para dominahin ang Thailand at Malaysia na may tiyempong 3:09.81 at 3:15.06 ayon sa pagkakasunod.

Maliban kay Del Prado, bahagi sila ng koponang nakuntento sa silver medal sa event na ito, dalawang taon na ang nakakaraan sa Palembang, Indonesia.

“I knew that when I got into the straight, victory was already within reach,” ani Bagsit na nanalo din sa men’s 400m run.

Sa kabuuan ang  Filipino tracksters ay may anim na gold, apat na silver at tatlong bronze medals sa limang araw na track and field action—hindi na masama para sa koponang hindi mataas ang expectation.

Bukod sa dalawang gold ni Bagsit, nanalo rin sina long jumper Henry Dagmil, decathlete Jesson Ramil Cid, steeplechaser Christopher Ulboc at hurdler Eric Cray.

Nabigo si Cray,  University of Oklahoma standout, na maka-da-lawang gold medal na pumang-anim lamang ito sa men’s 110m hurdle. Ang Filipino-American hurdler na si Cray ay ipinanganak sa Olongapo City ay naorasan ng 14.34 seconds sa event na pina-ngunahan ni Jamras Rittidet ng Thailand.

Sa men’s 1,500m,  pumang-apat lamang si Mervin Guarte sa oras na 3:58.48 habang tumapos si Ulboc bilang seventh sa walong runners sa kanyang oras na 4:05.76.

Si Jessica Barnard naman ay tumapos sa wo-men’s 1,500m run sa oras na 4:22.64.

 

 

Show comments