Bagong gym sa Los Angeles naghihintay kay Pacquiao
MANILA, Philippines - May bagong gym na naghihintay kay Manny Pacquiao sa Los Angeles kapag nagsimula na siyang mag-training para sa kanyang susunod na laban na pansamantalang nakatakda sa April 12 sa Las Vegas at inayos ito ni Freddie Roach para sa kanilang exclusive, closed-door sessions.
Ang bagong pasilidad ay nasa ground floor ng isang strip mall sa Vine Street sa Hollywood. Dati itong laundromat bago nabili ni Roach ang 1,500 square-foot property.
Sinabi ni Roach na tinangka niyang bilhin ang buong mall ngunit ayaw magpatawad sa presyo ang mga may-ari.
Ang itaas ng dating laundromat ang dating Wild Card Gym na itinayo ni Roach noong 1994.
Ang entrance ng Wild Card Gym ay sa likod ng mall, sa bakal na hagdan sa second floor.
Pinalaki ang Wild Card Gym sa 3,000 square feet upang mailagay ang dalawang boxing rings at iba’t ibang training equipment mula sa heavy bags, speedballs, treadmills at double-end bags.
Puro salamin ang pali-gid dahil nais makita ng mga boxers ang kanilang sarili kapag nagsa-sha-dow boxing. Makikita ang mga larawan ng mga boxers sa mga dingding at si-yempre ang pinakapromi-nente dito ay ang larawan ni Pacquiao.
Sinabi ni Roach na binili niya ang laundromat para kay Pacquiao at ibang espesyal na kliyente para makapag-train in private.
Madalas na dumadaan ang mga celebrities sa gym para mag-train o manood ng training ng iba.
- Latest