^

PM Sports

Humataw ng 6-golds

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi papayag ang Pambansang manlalaro na malagay sila sa pang-pitong puwesto sa 27th South East Asian Games sa Nay Pyi Taw, Myanmar.

Nabatid ito ng mga kalaban lalo na ng Singapore na siyang nasa puwestong nais okupahan ng Pilipinas nang humakot ang Pambansang atleta ng anim na ginto kahapon.

Nasimulan ito ng panalo ng men’s poomsae team na sina Vidal Marvin Gabriel at ng magkapatid na sina Djustin at Raphael Mella nang makalikom sila ng 7.920 puntos at manalo sa lahok ng Indonesia at Thailand.

Ang panalo ay nagsantabi sa pagkawala ng ginto ng women’s poomsae na sa taong ito ay kinatawan  nina Janice Lagman, Rani Ortega at Rinna Babanto na may bronze medal lamang.

Matapos nito ay bumuhos ang ginto sa mga larong golf, athletics at billiards upang itala ang pinakaproduktibong araw sa Myanmar Games.

Pinatunayan ni Princess Superal na dapat talaga siyang ipadala sa torneong ito nang pamunuan ang women’s golf team sa pagwalis sa dalawang ginto na pinaglabanan.

Kinilala ang silver medalist sa Asian Youth Games bilang kampeon sa individual event sa pinalong six-under par 210 matapos ang tatlong araw ng kompetisyon

Kasama sina AYG gold medalist Mia Legaspi at Katrina Pelen-Briones, ang tatlong golfers na  ito ay nagtulong sa 428 total para manalo sa team competition.

Ang mga baguhan ding sina Christopher Ulboc at Jesson Cid ang nagbigay sa ikaapat at limang ginto mula sa athletics habang world champion sa pool na si Dennis Orcollo ang nagdomina sa men’s 10-ball event.

Si Ulboc ang huma-lili sa titulong iniwan ng 5-time SEA Games steeplechase champion  Rene Herrera nang maorasan ng siyam na minuto at 1.59 segundo.

Nagpakilala rin si Cid nang gumawa ng 7,038 puntos tungo sa ginto sa decathlon.

Pinawi ni Orcollo ang kabiguang manalo sa 9-ball nang talunin ang kababa-yang si Carlo Biado, 9-7.

Nanatili pa rin ang Pilipinas sa ikapitong puwesto pero nakadikit na sila sa Singapore bitbit ang 20 ginto bukod sa 23 pilak at 28 bronze medal.

Kapos na lamang ang bansa ng tatlong ginto sa Singapore na mayroong 23-21-31 medal tally.

Lamang pa rin ang Thailand para sa unang puwesto sa 71-66-62 habang ang Vietnam ang nasa ikalawang puwesto sa 53-52-59 at ang host Myanmar na may 53 ginto rin ay kapos sa pilak at bronze medals sa 43 at 49.

ASIAN YOUTH GAMES

CARLO BIADO

CHRISTOPHER ULBOC

DENNIS ORCOLLO

GINTO

JANICE LAGMAN

JESSON CID

KATRINA PELEN-BRIONES

MIA LEGASPI

MYANMAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with