Bahay ni Jordan ‘di nabenta sa isinagawang bidding

HIGHLAND PARK, Ill. -- Hindi naibenta sa isang auction ang 56,000-square foot na bahay ni Michael Jordan sa Chicago matapos kapusin ang bidding.

Sinabi ng spokeswoman ni Jordan na si Estee Portnoy na walang nag-alok ng reserve price na $13 milyon para sa nasabing seven-acre estate ng NBA superstar sa Highland Park sa Chicago.

Ayon kay Portnoy, maganda ang ginawang publikasyon ng Concierge Auctions sa auction, ngunit hindi maganda ang estado ng merkado sa kasalukuyan.

Sinabi niyang ang opsyon para sa property ni Jordan ay muling pag-aaralan sa susunod na taon.

Ang dating tahanan ng Chicago Bulls superstar ay orihinal na inilista sa halagang $29 milyon noong 2012.

Mayroon itong siyam na kuwarto, 15 banyo, isang pool pavilion at isang regulation-size indoor basketball court. Tampok dito ang isang ‘gentleman’s retreat’  na naglalaman ng isang library, wet bar at orihinal na pinto mula sa Playboy Mansion sa Chicago.

Si Jordan na ang may-ari ng Charlotte Bobcats.

 

Show comments