Miami, Boston una pa rin
MANILA, Philippines - Kapwa nanatili ang Boston Celtics at Miami Heat sa liderato matapos igupo ang kani-kanilang kalaban nitong Lunes sa NBA.
Sa Miami, nawala ang headband ni LeBron James at nagkaproblema ang kanyang kaliwang bukung-bukong pero hindi ito nakapigil sa kanya para kumamada ng 30-points, 9-rebounds at 9-assist sa 117-94 panalo ng Miami Heat kontra sa Utah Jazz.
Nagdagdag naman si Dwyane Wade ng 27 points para sa ika-18-panalo ng Miami kontra sa 6-laro para manatili sa liderato ng Southeast division.
Maganda ang naging shooting ng Miami na komonekta ng 63.4% sa pangunguna ni James na may 13-of-17 field goals shooting.
Sa Boston, sinabihan ni Celtics coach Brad Stevens si forward Jared Sullinger na bantayang mabuti si Kevin Love para matuto.
Sa loob ng isang quarter, binigyan ng leksiyon ni Sullinger ang Minnesota all-star.
Nagtala si Sullinger ng 15 points at six rebounds sa fourth quarter kabilang ang tie-breaking 3-pointer, may 2:22 minuto na lang ang natitira nang igupo ng Celtics ang Timberwolves 101-97.
Tumapos si Sullinger, second-year player na ‘di nakalaro sa halos kalahati ng nakaraang season ng 24 points at 11 rebounds bukod pa sa career-high na five assists.
- Latest