Kid Molave humarurot

MANILA, Philippines - Humarurot ang kabayong Kid Molave sa huling 100-metro sa isang milyang karera para tanghaling kampeon ng Philtobo Juvenile Championships na pinaglabanan noong Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Ito ang pinakamalaking karera na pinaglabanan sa 14th Philtobo Grand Championships dahil P3 milyon ang inilagay na premyo ng Philtobo at ang nanalong kabayo ay nagpasok ng P1.78 milyon sa kanyang horse owner.

Bumigay ang Mr. Bond sa huling 400-metro at naiwang nagbakbakan ang Kid Molave at Matang Tubig.

Pero marami pang enerhiya ang Kid Molave na biglang iniwan ang kalaban para sa halos anim na dipang panalo sa 1,600-metro karera.

Nagkamit ng P675,000.00 ang Fairy Star bago tumawid ang mga matitikas na two-year old horse na Matang Tubig at Mr. Bond upang angkinin pa ang P375,000.00 at P150,000.00 premyo.

Ang isa pang malaking karera na isinagawa ay ang PCSO Classic Cup na dinomina ng subok na sa mahabang distansyang karera na Tensile Strength.

Naiuwi ng handlers ng Tensile Strength ang P280,000.00 mula sa P500,000.00 na pinaglabanan sa karerang inilagay sa 2,000-metro distansya.

 

Show comments