Bagong record kay Lacuna, bronze kay Alkhaldi

NAY PYI TAW – Isang bagong Phi-lippine record ang inilista ni National swimmer Jessie Khing Lacuna sa men’s 100-meter butterfly event, subalit pumuwesto lamang siya sa ika-lima sa 27th SEA Games swimming competitions noong Sabado ng gabi dito sa Wunna Theikdi pool.

Magdiriwang ng kanyang ika-20 kaarawan sa Disyembre 23, nagsumite si Lacuna ng oras na 55.08 segundo sa finals para burahin ang dating National record na 55.15 na itinala ni James Walsh noong 2007.

Ang Pulilan, Bulacan native ay tumapos sa likod nina Joseph Isaac Schooling ng Singapore, nagposte ng bagong SEAG record na 53.67, Fauzi Triady (53.14) at Glenn Victor Sutanto (53.93) ng Indonesia para sa gold, silver at bronze medals, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, ibinulsa ni Jasmine Alkhaldi, third placer sa women’s 100m freestyle, ang kanyang pangalawang tansong medalya matapos pumangatlo sa 100m butterfly.

Nagposte siya ng oras na 1:01.76 sa ilalim nina gold medal winner Tao Li (59.87) at silver medalist Ting Wen Quah (1:00.34) ng Singapore.

 

Show comments