Nagdomina ang Beyond Reproach

MANILA, Philippines - Pinangatawanan ng two-year old colt na Beyond Reproach  ang pa­gi­ging liyamado sa 2YO Maiden Division race ma­tapos ang kumbinsidong pa­nalo noong Biyernes ng gabi sa San Lazaro Lei­sure Park sa Carmona, Ca­vite.

Si Mark Alvarez ang sakay sa nasabing kabayo na unang sinakyan ang pace na ibinigay ng Aspire Magic bago umuna na sa far turn sa 1,400-metrong karera.

Mula rito ay lumayo na ang Beyond  Reproach pa­ra manalo ng halos tatlong dipa sa naghabol na Elusive Ride.

One-two sa bentahan ang unang dalawang ka­ba­­yo na tumawid sa meta upang makapaghatid ng P13.00 sa forecast na 9-6, habang ang win ay may P7.00 na ipinamahagi.

Ang Princess Jo ay na­na­lo din sa juvenile race na 2YO Special Handicap Race sa 1,300M.

 

Show comments