TMS-Army, PLDT-MyDSL kampeon sa PSL

MANILA, Philippines - Pinangatawanan ng TMS-Army ang pagi­ging li­yamado sa Cignal HD Spikers nang kunin ang 25-14, 22-25, 25-17, 25-20 pa­nalo sa one-game fi­nals ng Philippine Super Liga (PSL) Grand Prix wo­men’s volleyball kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Si Thai import Luangtonglang Wanitchaya ay may 17 hits at ang husay na ipinakita sa kabuuan ng torneo ang nagbigay sa kanya ng Most Valuable Player award.

May 16 hits pa si Rachel Anne Daquis para ta­patan nila ang 15 at 14 hits ng mga Chinese imports ng HD Spikers na sina Li Zhangzhan at Lei Xie.

Nakisalo sa TMS-Ar­my ang PLDT-MyDSL na hinirang naman bilang kauna-unahang kam­peon sa men’s division nang ma­lusutan ang Systema, 28-26, 25-16, 20-25, 22-25, 16-14, sa unang laro.

Sina Armando Maleon at Alnasip Laja ang mga nag­hatid ng mahahalagang puntos sa deciding fifth set para hindi masayang ang pagsisikap ni Kheeno Franco na may 14 puntos.

 

Show comments