MANILA, Philippines - Bumagsak si Brandon Rios sa urinalysis na isinaÂgaÂwa matapos ang laban nila ni Manny Pacquiao noÂong Nobyembre 24 sa Macau, China.
Ito ang ika-lima at huÂling pagsusuri na isinagawa ng Voluntary Anti-Doping Agency (VADA) para maÂlaman kung gumagamit ng ipinagbabawal na droga ang isang boksingero.
Bago ito ay lumabas na malinis si Rios sa naunang apat na pagsusuri.
Ang droga na nakita ay ang methylexanamine o kiÂlala rin bilang dimenthyÂlamylamine (DMAA) na giÂnagamit sa pagpapapayat.
Naunang napaulat na naÂhirapan si Rios na abutin ang 147-pound limit sa welÂterweight.