Bryant hindi pa rin makapagbigay ng panalo para sa LA Lakers

OKLAHOMA CITY -- Hindi pa rin nakakatikim ng kanyang unang panalo sa season si Kobe Bryant matapos ang tatlong laro para sa Los Angeles La­kers.

Humakot si Kevin Du­rant ng 31 points, 8 re­bounds at 5 assists, habang naglista si Russell Westbrook ng 19 points, 12 assists at 8 rebounds para igi­ya ang Oklahoma City Thunder sa 122-97 pagsa­gasa sa Lakers.

Nag-ambag si Serge Iba­ka ng 19 points at 10 re­bounds para sa kanyang ika-11 double-double  sa sea­son para sa Oklahoma City na dumiretso sa ka­nilang pang-limang sunod na pa­na­lo.

Nalasap naman ng La­kers ang kanilang pangatlong sunod na kamalasan matapos bumalik sa line up si Bryant mula sa isang torn Achilles tendon injury.

Tumapos si Bryant ng may 13 assists at 4 points sa loob ng 23 minuto.

Sa Indianapolis, nag­pos­te si Lance Stephenson ng 20 points at 11 rebounds at kumolekta si center Roy Hibbert ng 18 points at 11 boards para tulungan ang In­diana Pacers sa 99-94 pa­nalo kontra sa Charlotte Bob­cats.

Sa San Antonio, ku­ma­big si guard Tony Parker ng 29 points para akayin ang Spurs sa 117-110 panalo laban sa Minnesota Timberwolves na pinamunuan ng  season-high na 42 points ni Kevin Love.

 

Show comments