MANILA, Philippines - Pumanaw na si dating cycling icon Cornelio A. Padilla Jr. noong Linggo sa edad na 67-anyos dahil sa sakit sa puso sa St. Luke’s Hospital.
Naiwanan niya ang kanyang asawang si Atty. Luzviminda Padilla, ang kasalukuyang Philippine labor attache sa Washington D.C. at kanilang apat na anak na sina Jennifer, May, Nathalie at Jan Eli.
Ang mga labi ni Atty. Padilla ay nakahimlay sa La Funeria Paz sa Araneta Avenue, Quezon City at ang cremation ay nakatakda sa Huwebes.
Nakilala si Padilla bilang ‘Padi’ at sumikat siya nang maging back-to-back champion ng Tour of Luzon noong 1966-1967.