Accel-PBA Press corps Player of the week Sol Mercado- Globalport

MANILA, Philippines - Kailanman ay hindi nag-alinlangan si Fil-American point guard Sol Mercado sa kakayahan ng Globalport.

Matapos ang 1-3 pa-nimula, kasama dito ang magkasunod na kabiguan sa Barangay Ginebra at three-time Philippine Cup champion Talk ‘N Text, si Mercado ang nagbigay-buhay sa kampanya ng Batang Pier sa 2013-2014 PBA Philippine Cup.

Sa 93-89 panalo ng Globalport kontra sa Meralco, umiskor si Mercado ng personal confe-rence-best na 33 points.

Matapos ang dala-wang araw ay muling iginiya ng produkto ng Biola University ang Batang Pier sa 90-88 pagtakas sa Rain or Shine Elasto Painters para sa kauna-unahang back-to-back wins ng prangkisa.

Dahil sa kanyang kabayanihan, hinirang ang 5-foot-11 na si Mercado bilang Accel-PBA Press Corps. Player of the Week para sa linggo ng Disyembre 2-8.

Tinalo ni Mercado para sa weekly honors ang kanyang kakam-ping si Jay Washington, Petron Blaze center June Mar Fajardo at Barangay Ginebra forward Japeth Aguilar.

“I know you guys didn’t believe. Nobody really thought where we’ll be at right now. New coach in one week (before the start of the tournament), six rookies, eight new guys.  Who would have thought we’d be 3-3?” sabi ng 29-anyos na playmaker.

Si Mercado ang nagsisilbing mentor ngayon sa kanilang mga rookie guards na sina Terrence Romeo at RR Garcia.

 

Show comments