^

PM Sports

2 gold medals para sa Pinas wushu bets nagdeliber

Pang-masa

NAY PYI TAW - Nabuwenamanuhan ng 2 wushu bets ang paghahakot ng gold medal Philippines team sa 27th Southeast Asian Games na ginaganap sa iba’t ibang venues dito sa Myanmar.

Kapwa umiskor sina world silver medalists Jessie Aligaga at Dembert Arcita ng magkaparehong 2-0 panalo sa kani-kanilang weight divisions sa sanda event ng wushu.

Tinalo ng 29-anyos na si Aligaga si Dismantua Simbolon ng Indonesia sa kanilang 48kg. final match, habang dinomina ng 2009 titlist na si Arcita si Phithak Paokrathok ng Thailand sa kanilang 52kg championship clash.

Sinabi nina Aligaga at Arcita na ang panguna-hing motibasyon nila ay ang pagbibigay ng kasiyahan sa mga nasalanta ng bagyong ‘Yolanda’.

“Dedicated sa mga kababayan natin. Sila ang inspirasyon namin,” wika ng tubong Iloilo na si Aligaga, nagwagi ng bronze medal sa Laos SEA Games noong 2009 at nabigong makasali sa Indonesia noong 2001 matapos tanggalin ang kanyang weight class sa calendar of sports.

Nakalasap naman ng magkatulad na 0-2 kabiguan sina rookies Divine Wally sa 48kg class at Evita Elise Zamora sa 52kg.

Ang men’s duilian team nina Daniel Parantac, John Keithley Chan at Norlenz Ardee Catolico ay nauna nang nagsubi ng silver habang kumopo si  Francisco Solis ng bronze sa sanda’s 56kg.

Sa kabuuan, humakot ang mga Filipino wushu artists ng 2 gold, 3 silver at 1 bronze na siyang malaking dahilan para sa 2-4-1 gold-silver-bronze na kabuuang produksiyon ng bansa sa overall medal  tally.

Dumami naman ang pag-asa ng Pinas sa gold sa boxing matapos pumasok ang walong boxers sa semis habang hindi rin nagpahuli ang men at women’s basketball teams na nagsipagpanalo sa kani-kanilang laban.

ALIGAGA

ARCITA

DANIEL PARANTAC

DEMBERT ARCITA

DISMANTUA SIMBOLON

DIVINE WALLY

EVITA ELISE ZAMORA

FRANCISCO SOLIS

JESSIE ALIGAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with