TMS-Army, PLDT-MyDSL tangka ang finals sa PSL
Laro NGAYON
(Ynares Sports Arena,
Pasig City)
2 p.m. – TMS-Army
vs Cagayan
4 p.m. – PLDT-MyDSL
vs Cignal
MANILA, Philippines - Pangangatawanan ng nagdedepensang kampeon TMS-Army at ang nagpasikat sa classification round na PLDT-MyDSL ang pagiging teams-to-beat sa Philippine Super Liga (PSL) Grand Prix women’s volleyball sa pagpanalo sa kanilang mga laro sa semifinals ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Makakasukatan ng Lady Troopers ang Cagayan Valley sa unang laro sa ganap na ika-2 ng hapon bago pumalit ang Speed Boosters at Cignal dakong alas-4 ng hapon.
Ang mananalong koponan ang siyang magtutuos sa one-game Finals na itinakda sa Disyembre 14.
Tinalo na ng TMS-Army ang Lady Rising Suns pero hindi garantiya ito na makakadalawa sila dahil hangad din ng koponang hawak ni coach Nestor Pamilar ang magtagumpay sa liga para makumpleto ang pagwalis sa dalawang volleyball leagues na sinalihan.
Matatandaan na naunang nagkampeon ang Lady Rising Suns sa Open Conference ng Shakey’s V-League matapos walisin ang lahat ng laro.
Tinalo ng koponan ang baguhang RC Cola sa quarterfinals sa larong ipinahinga ang import na si Wanida Kotruang bu-nga ng knee injury.
Pero hindi naramdaman ang pagkawala ng Thai import dahil sa magandang ipinakita nina Angelique Tabaquero at Aiza Maizo-Fontillas.
“Ipinahinga ko siya dahil mas mahalaga ang game na ito. Handa na siyang maglaro,†wika ni Pamilar.
Ipaparada ng PLDT-MyDSL ang 5-0 baraha sa unang yugto laban sa HD Spikers na pinagpahinga ang Petron sa quarterfinals.
Ang bataan ni coach Roger Gorayeb ang may pinakamahusay na imports sa katauhan nina Kaylee Manns at Savannah Noyes ng USA.
Pero maliban sa dalawa, aasahan din ang pagkinang ng mga locals sa pangu-nguna ni Sue Roces para lumapit sa isang laro tungo sa paghablot ng unang titulo sa ligang inorganisa ng Sports Core at may basbas ng International Volleyball Federation bukod sa ayuda ng Mikasa, Asics, Jinling Sports, LGR at Solar Sports.
- Latest