^

PM Sports

Larong Bara-Bara

POINT GUARD - Joey Villar, Nelson Beltran - Pang-masa

Dodominahin ng Philippine team ang seven-team field at magbabakbakan para sa segunda pwesto ang Thailand, Indonesia at Malaysia.

Walang dudang ito ang mangyayari sa men’s basketball competition ng 27th Southeast Asian Games sa Naypyidaw, Myanmar.

Para sa kampanya ng Team Pilipinas, ang tanong na lamang aykung ilan ang kanilang average winning margin na itatala sa torneo.

Sa SEAG history, isang beses pa lamang nakawala sa kamay ng bansa ang basketball gold medal. Nangyari ang disgrasya noong 1989 sa Kuala Lumpur sa koponang tangan ni coach Derrick Pumaren at assistant coaches Yeng Guiao at Francis Rodriguez.

Mukhang malabong mangyari ito sa koponang dala ni coach Jong Uichico ngayon.

Siguradong walang panapat ang mga kalaban kay Marcus Douthit. At garantisado rin naman na kayang gampanan nila Kiefer Ravena, Bobby Ray Parks, Kevin Alas, Garvo Lanete, Ronald Pascual, Jake Pascual at Matt Ganuelas ang kanilang mga papel.

Holdovers sina Ravena, Parks, Lanete at dalawang Pascual mula sa 2009 Philippine team samantalang parte sina Alas at Ganuelas ng huling Phl team na naghari sa SEABA championships.

Rookies sa National team sina Kevin Ferrer ng UST, Mark Belo ng FEU, Prince Caperal ng Arellano at Jericho Cruz ng Adamson.

Nakatakda silang lumusong sa laban sa Lunes kontra sa Singapore. Susunod ang laban kontra Cambodia sa Martes, Myanmar sa Huwebes, Thailand Biyernes, Indonesia sa Dec. 14 at Malaysia Dec. 15.

Single round robin ang tournament format kung saan ang top team ay awtomatikong champion.

Bugbugin ng husto ang mga kalaban ang lohikal ng mithiin dahil siguradong olats tayo sa ibang sports disciplines.

Buo sa aking alaala ang lahat ng SEA Games competitions na aking nasundan mula noong 1991 sa Araneta Coliseum. Sa lakas ng 1991 team na pina-ngunahan nina Marlou Aquino, Jun Limpot, Vic Pablo, Johnny Abarrientos, Bong Ravena, Vergel Meneses, Boyet Fernandez at Nonoy Chuatico, nilabanan ito ng dikitan ng Thailand sa gold medal game.

Marami pa tayong nilarong dikit na laban. Ito’y sa mga pagkakataong nilaro natin ang kalaban ng slow break, set-up basketball.

Sa Nakhon Ratchasima noong 2007 ko nakita ang todong panggugulpi ng Phl team sa kalaban. Full-court pressure defense halos buong laro ang formula ng grupo nila Beau Belga, Jeff Chan, Jervy Cruz at Al Vergara noon.

Masyadong mataas ang skills level ng Filipino players sa SEA region. Mas hindi makakasabay ang mga kalaban sa bara-barang laro.

 

vuukle comment

AL VERGARA

ARANETA COLISEUM

BEAU BELGA

BOBBY RAY PARKS

BONG RAVENA

BOYET FERNANDEZ

DERRICK PUMAREN

FRANCIS RODRIGUEZ

GARVO LANETE

TEAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with