MEXICO CITY – Sinabi ng NBA na ang laban ng San Antonio Spurs at Minnesota Timberwolves ay na-postpone dahil napuno ng usok ang Mexico City Arena.


Ang larong naka-schedule nitong Miyerkules ng gabi ay lalaruin na lamang sa Minnesota sa hindi pa natutukoy na araw.


Pinalabas ang mga tao, 45 minuto bago ang nakatakdang alas-9:30 ng gabing laro dahil nagkaroon ng generator malfunction sa loob ng arena na dahilan ng pagkalat ng usok sa loob, ayon kay NBA spokeswoman Sharon Lima.


Mga 15 minutes bago ang nakatakdang simula ng laro, umalis ang bus ng Spurs. ‘Di nagtagal ay sumunod na umalis ang bus ng Timberwolves.


Habang nagwa-warm up ang dalawang team para sa kanilang regular-season matchup, namatay ang mga ilaw sa ilang bahagi ng arena at lumabas ang usok sa vents sa upper deck.