^

PM Sports

Pacquiao-Rios mahina sa Pay-Per-View

Pang-masa

MANILA, Philippines - Lumabas na ang pay-per-view purchase result para sa laban ni Manny Pacquiao kay Brandon Rios noong Nobyembre 24 sa Macau.

Bagama’t ito ang na-ging pinakamababang nakuha ng Filipino boxing superstar sa mga nakaraang taon, hindi naman nababahala ang kanyang promoter.

Sinabi ni Top Rank chief Bob Arum kay Dan Rafael ng ESPN.com na halos 500,000 kabahayan ang nagbayad para mapanood ang laban nina Pacquiao at Rios sa US na kanya nang inasahan.

“The numbers are coming in like we expected,” sabi ni Arum kay Rafael. “There was a little delay because of Thanksgiving, but it will be somewhere in the area of 500,000 buys.”

Sinabi pa ng promoter na kuntento na siya sa nasabing PPV buys.

“We ran all our numbers on something a little less than 500,000 but figuring we’d do around 500,000 and that’s what we’re going to wind up doing. It means 490,000 or 510,000, something like that,” ani Arum.

Mas mababa ito kumpara sa mga nakaraang laban ni Pacquiao na ginawa sa US.

Sa kanilang upakan ni Antonio Margarito noong Nobyembre ng 2010 ay pumalo ito ng 1.15 million PPVs, habang ang pakikipaghaharap kay Juan Manuel Marquez noong Nobyembre ng 2011 at Disyembre ng 2012 ay pinanood ng 1.4 milyon at 1.15 milyong manonood, ayon sa pagkakasunod.

Maski ang pakiki-pagharap ng fighting congressman kay Timothy Bradley noong Hunyo ng 2012 ay humakot ng PPV buys na 900,000.

Wala namang binatbat ang Pacquiao-Rios’ PPV performance sa laban niFloyd Mayweather kay Saul Alvarez noong Set-yembre na binili ng 2.2 million kabahayan.

“It’s very, very difficult when you’re not doing the fight in the United States,” sabi ni Arum sa unang laban ni Pacquiao sa Asia matapos noong 2006 nang talunin niya si Oscar La-rios sa Araneta Coliseum.

“But the deal we structured was to make up for that,” dagdag pa ng promoter sa kanyang pakikipagkasundo sa Venetian Macau na venue ng Pacquiao-Rios fight.

Bagama’t mababa ang pumasok na PPV iba naman ang kuwento sa gate receipts.

May kabuuang 13,101 fans ang  bumili ng ticket Cotai Arena sa Venetian Macau para panoorin ng live ang laban na nauna nanginasahan ng Top Rank na patok sa takilya.

vuukle comment

ANTONIO MARGARITO

ARANETA COLISEUM

BAGAMA

BOB ARUM

BRANDON RIOS

NOBYEMBRE

PACQUIAO

TOP RANK

VENETIAN MACAU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with