Laro NGAYON
(Ynares Sports Arena, Pasig City)
2 p.m. -- Cagayan vs RC Cola (W)
4 pm -- Cignal vs Petron (W)
6 pm -- PLDT-MyDSL vs Maybank (M)
MANILA, Philippines - Saluhan ang mga semifinalists nang PLDT-MyDSL at TMS-Army ang balak gawin ng Cagayan Valley at Cignal sa Phi-lippine Super Liga (PSL) Grand Prix quarterfinals ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Kalaro ng Lady Ri-sing Suns ang baguhang RC Cola sa ganap na ika-2 ng hapon habang ang HD Spikers ang kalaban ng Petron dakong alas-4.
Paborito ang Cagayan at Cignal na nalagay sa ikatlo at apat na puwesto sa classification round, matapos manalo sa naunang pagkikita.
Humirit ang bataan ni coach Nestor Pamilar ng 23-25, 25-16, 25-18, 25-12 panalo sa Raiders habang ang bataan ni coach Sammy Acaylar ay umani ng 17-25, 25-19, 25-16, 25-18 tagumpay sa Blaze Spikers.
Pero dahil knockout game ito, walang nakakasiguro sa panalo bunga ng kahandaan ng RC Cola at Petron na makasilat at maipagpatuloy ang laban para sa titulo sa ligang inorganisa ng Sports Core at may basbas ng International Volleyball Federation katuwang ang Mikasa, Asics, LGR at Jinling Sports.
Dapat ding asahan na inspiradong maglalaro ang Blaze Spikers matapos wakasan ang apat na sunod na panalo ng Raiders sa pamamagitan ng 20-25, 19-25, 25-21, 25-12, 15-5, dominasyon (0-5) noong Sabado.
Ang Speed Boosters na hindi natalo sa limang laro sa classification round ay haharap sa magwawagi sa ikalawang laro habang ang nagdedepensang Lady Troopers ang katapat ng mananalo sa unang game.