MANILA, Philippines - Handa si unified world super bantam weight champion Guillermo Rigondeaux ng Cuba na bigyan ng rematch si Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr.
Sinabi ni Rigondeaux na payag siyang muling labanan si Donaire ngunit hindi sa featherweight division kung saan nanalo ang tubong Talibon, Bohol laban kay Vic Darchinyan noong Nobyembre 10 sa Texas.
Tinalo ni Rigondeaux (12-0-0, 8 KOs) si Donaire (32-2-0, 21 KOs) via unanimous decision sa kanilang unification fight noong Abril 13, 2013 sa New York.
Ayon kay Rigondeaux, pagbibigyan niya si Donaire kung papayag itong maglaban sila sa catchweight na 123 pounds at hindi siya dapat sumobra sa 133 pounds sa umaga ng kanilang weigh-in.
“If he is willing to come down at 123 pounds and not weigh more than 10 pounds the next day, I would be willing to give him another beating,†ani Rigondeaux sa panayam ng Miami Herald.
Siya rin mismo ang hahamon kay Donaire kapag nakakuha ito ng bagong world championship belt.
“I am waiting for him to win another belt so I could take that one from him as well,†pagyayabang ng Cuban two-time Olympic Games gold medal winner.
Noong nakaraang taon ay hinirang si Donaire bilang ‘Fighter of the Year’ matapos biguin sina Jeffrey Mathebula, Wilfredo Vasquez, Jr. Toshiaki Nishioka at Jorge Arce.