MANILA, Philippines - Nagtayo ng isang 23-point lead sa third period, kinuha ng three-time champions na Talk ‘N Text ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos gibain ang Globalport, 106-93 sa 2013-2014 PBA Philippine Cup kagabi sa MOA Arena sa Pasay City.
Kasabay ng pagsos-yo ng Tropang Texters sa Rain or Shine Elasto Painters sa ikalawang puwesto sa magkatulad nilang 3-1 record ay naibilang naman si Jimmy Alapag bilang ika-siyam na player na nakapagtala ng 3,000 career assists.
Nakita rin sa unang pagkakataon ang pagbabalik ni Ranidel De Ocampo at ang paglalaro ni Danny Seigle para sa Talk ‘N Text.
“It’s a good feeling having more off weapons tonight with Danny S and Ranidel (De Ocampo) coming back from injury,†ani coach Norman Black.
Tumapos si Seigle, ang 1999 PBA Rookie of the Year, na may 13 points, habang may 3 markers si De Ocampo na nanggaling sa injury.
Kinuha ng Tropang Texters ang 74-51 bentahe sa huling walong minuto sa third period patungo sa 101-80 pag-iwan sa Batang Pier na nalasap ang kanilang ikalawang dikit na kabiguan.
Kasalukuyan pang naglalaban ang Barangay Ginebra at ang Meralco habang isinusulat ang balitang ito kung saan puntirya ng Gin Kings na masolo ang pamumuno.
Samantala, target naman ng Petron ang pagpoposte ng 4-0 kartada sa pagsagupa sa Barako Bull ngayong alas-5:45 ng hapon kasunod ang banggaan ng Alaska at Air21 sa alas-8 sa Smart Araneta Coliseum.
Talk N’ Text 106 - Fonacier 18, Alapag 17, Seigle 13, Castro 12, Carey 11, Baclao 10, Williams 8, Poligrates 7, Anthony 5, De Ocampo 3, Celiz 2, Ferriols 0, Reyes 0.
Globalport 93 - Washington 21, Romeo 16, Mercado 14, Chua 11, Garcia 7, Nabong 6, Salva 6, Belencion 4, Hayes 4, Lingganay 2, Menk 2, Ponferrada 0, Salvador 0.
Quarterscores: 34-20, 64-51, 91-68, 106-93.