^

PM Sports

Accel-PBA Press corps Player of the week Mark Caguioa- Barangay Ginebra

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi pumayag si Mark Caguioa na masapawan ni rookie guard Terrence Romeo ng Globalport, lalo na kung nalagay sa balag ng pagkatalo ang Barangay Ginebra.

Ipinakita ito ng 2012 PBA Most Valuable Player awardee noong Huwebes nang akayin ang Gin Kings sa 109-104 panalo laban sa Batang Pier tampok ang kanyang game-high na 29 points.

Dahil dito, kinilala ang 34-anyos na si Caguioa bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week para sa linggo ng Nobyembre 25 hanggang Disyembre 1.

Ang kabayanihan ni Caguioa ang nagbigay sa Ginebra ng ikatlong sunod nitong panalo para makatabla sa liderato ang Petron Blaze.

Tinalo ni Caguioa para sa karangalan si June Mar Fajardo ng Boosters na nagtala ng 21 points at 25 rebounds sa kanilang 91-78 panalo kontra sa San Mig Coffee Mixers at sina John Wilson ng Meralco at Jayson Castro ng Talk N Text.

“I knew I had to do something and I’m glad I made those shots,” wika ni Caguioa na umiskor ng 14 points, tampok ang 4-of-4 fieldgoal shooting at 4-of-5 sa free throw line, sa fourth quarter para ipanalo ang Gin Kings laban sa Globalport.

Nagposte ang Gin Kings ng isang 19-point lead sa third period bago naagaw ng Batang Pier ang 93-91 abante sa huling apat na minuto sa final canto.

“Mark is one guy na ‘yung pagka-competitive palaging nandoon,” ani coach Ato Agustin.

 

vuukle comment

ATO AGUSTIN

BARANGAY GINEBRA

BATANG PIER

CAGUIOA

GIN KINGS

GLOBALPORT

JAYSON CASTRO

JOHN WILSON

JUNE MAR FAJARDO

MARK CAGUIOA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with