La Salle sisimulan ang target na 4th UAAP title

LARO NGAYON

(Smart Araneta

Coliseum)

11 a.m. NU vs DLSU (men)

2 p.m. ADMU vs NU (women)

4 p.m. DLSU vs AdU (women)

6 p.m. FEU vs AdU (men)

 

MANILA, Philippines - Bubuksan ngayon ng De La Salle University ang hangaring makopo ang ika­apat na sunod na titulo sa UAAP women’s volleyball na gagawin sa Smart Araneta Coliseum.

Katipan ng Lady Archers ang Adamson sa pa­ngalawang women’s match sa alas-4 ng hapon.

Ang Ate­neo ay ipapaki­ta rin ang ba­gong puwersa laban sa tumatag na Natio­nal University sa ganap na alas-2 ng hapon.

Magbubukas sa aksyon sa 76th Season ang labanan ng NU at La Salle sa kala­lakihan sa ganap na alas-11 ng umaga, habang ang hu­ling laro sa alas-6 ng gabi ay sa pagitan ng FEU at Adam­son.

Wala na sa La Salle si­na Michelle Gumabao, Melissa Gohing at Wensh Tiu pero malakas pa rin ang tropa ni coach Ramil de Jesus dahil nasa team pa rin ang co-MVPs na sina Abi Ma­raño at Ara Galang bukod pa kina Kim Fajardo at Mika Reyes.

Hindi naman magpapa­huli ang Lady Falcons na aasa sa gumagaling na si Sheila Pineda na siyang team captain ng koponan.

Wala na sa Lady Eagles ang mga mahuhusay na si­na Dzi Gervacio, Fille Cainglet, Jem Ferrer at Gretchen Ho kaya’t ma­sasa­bing koponan na ito ni Alyssa Valdez na siyang iti­nalagang team captain.

Kung kaya niyang pa­mu­nuan ang kampanya ng Ate­neo ay masusukat dahil ang Lady Bulldogs ay ipaparada uli sina 6-foot-2 Dindin Santiago, Myla Pab­lo, Aiko Urdas at Mina Ara­gon.

Pero mas mabangis ang Lady Bulldogs dahil sa pag­lalaro na ni 6’4 Jaja San­­tiago upang mapahira­pan ang mga makakalaban dahil sa naglalakihang man­lalaro.

Show comments