La Salle sisimulan ang target na 4th UAAP title
LARO NGAYON
(Smart Araneta
Coliseum)
11 a.m. NU vs DLSU (men)
2 p.m. ADMU vs NU (women)
4 p.m. DLSU vs AdU (women)
6 p.m. FEU vs AdU (men)
MANILA, Philippines - Bubuksan ngayon ng De La Salle University ang hangaring makopo ang ikaÂapat na sunod na titulo sa UAAP women’s volleyball na gagawin sa Smart Araneta Coliseum.
Katipan ng Lady Archers ang Adamson sa paÂngalawang women’s match sa alas-4 ng hapon.
Ang AteÂneo ay ipapakiÂta rin ang baÂgong puwersa laban sa tumatag na NatioÂnal University sa ganap na alas-2 ng hapon.
Magbubukas sa aksyon sa 76th Season ang labanan ng NU at La Salle sa kalaÂlakihan sa ganap na alas-11 ng umaga, habang ang huÂling laro sa alas-6 ng gabi ay sa pagitan ng FEU at AdamÂson.
Wala na sa La Salle siÂna Michelle Gumabao, Melissa Gohing at Wensh Tiu pero malakas pa rin ang tropa ni coach Ramil de Jesus dahil nasa team pa rin ang co-MVPs na sina Abi MaÂraño at Ara Galang bukod pa kina Kim Fajardo at Mika Reyes.
Hindi naman magpapaÂhuli ang Lady Falcons na aasa sa gumagaling na si Sheila Pineda na siyang team captain ng koponan.
Wala na sa Lady Eagles ang mga mahuhusay na siÂna Dzi Gervacio, Fille Cainglet, Jem Ferrer at Gretchen Ho kaya’t maÂsasaÂbing koponan na ito ni Alyssa Valdez na siyang itiÂnalagang team captain.
Kung kaya niyang paÂmuÂnuan ang kampanya ng AteÂneo ay masusukat dahil ang Lady Bulldogs ay ipaparada uli sina 6-foot-2 Dindin Santiago, Myla PabÂlo, Aiko Urdas at Mina AraÂgon.
Pero mas mabangis ang Lady Bulldogs dahil sa pagÂlalaro na ni 6’4 Jaja SanÂÂtiago upang mapahiraÂpan ang mga makakalaban dahil sa naglalakihang manÂlalaro.
- Latest