Kidd pinagmulta ng $50,000

NEW YORK – Nagtapon si Jason Kidd ng softdrinks para i-delay ang laro at ang kapalit nito ay $50,000 na multa.

Pinagmulta ng NBA ang Brooklyn Nets coach nitong Huwebes dahil sinadya diumano ni Kidd na ibuhos ang kanyang iniinom na soda sa court.

Bumangga si Kidd kay Brooklyn reserve Tyshawn Taylor sa huling 8.3 segundo ng 99-94 pagkatalo ng Nets kontra sa Lakers nitong Miyerkules at natapon ang kanyang iniinom na soda.

Ngunit sa isang video, nakita na tila sinabihan ni Kidd si Taylor ng “hit me” nang pabalik na ito sa bench.

Nagresulta ito ng delay sa laro habang nililinis ang sahig na nagbigay ng pagkakataon sa wala nang time out na Nets para makagawa ng play.

Itinanggi ni Kidd na intensiyunal ang pagkakatapon ng kanyang drinks, pagkatapos ng laro.

Nagbiro pa siya na pawisin ang kanyang kamay.

 â€œIn the heat of the battle you’re trying to get guys in and out of the game, and the Coke fell out of my hand,” sabi ni Kidd.

Hindi naniwala ang NBA at pinarusahan si Kidd sa ikalawang pagkakataon sa kanyang unang buwan bilang coach matapos matapos ang 2 games suspension dahil nag-plead itong guilty sa kaso ng  drunk driving.

Show comments