^

PM Sports

Nabayaran lahat ang tax ni Manny Siniguro ni Arum

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kumpiyansa si Bob Arum ng Top Rank Promotions na maibibigay nila sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang hinihingi nitong sertipikadong kopya ng binayarang buwis ni Manny Pacquiao sa United States Internal Revenue Service (IRS) noong 2008 at 2009.

Ito ang pahayag ni Arum sa kanyang official statement bilang pagdedepensa kay Pacquiao kaugnay sa kinakaharap nitong tax case sa BIR.

“As I am sure people appreciate, obtaining certified copies of documents from the IRS takes time,” ani Arum. “Manny made the formal request to the IRS and we have every expectation that the necessary documents will be furnished to the BIR very soon.”

Sinabi ng BIR na na-bigo si Pacquiao na ilagay sa kanyang income tax returns (ITR) ang multi-million-dollar taxes na kinolekta sa kanya ng IRS mula sa mga premyo niya noong 2008 hanggang 2009 na nagkakahalaga ng $28 milyon (P2.2 bilyon).

Inilabas ng BIR ang freeze order sa lahat ng bank accounts ni Pacquiao pati ng kanyang asawang si Jinkee dalawang linggo bago labanan ng Sarangani Congressman si Brandon Rios noong Linggo sa Macau, China.

“It’s completely not Manny’s fault and completely a government screw-up,” sabi ni Arum.

Ayon pa kay Arum, ang Top Rank mismo ang nagbayad ng buwis ni Pacquiao sa kanyang apat na laban sa US noong 2008 at 2009 kontra kina David Diaz, Oscar Dela Hoya, Ricky Hatton at Miguel Cotto.

“For each of Manny’s fights that occurred in the United States, including those in 2008 and 2009, Top Rank withheld 30% of Manny’s purses and paid those monies directly to the Internal Revenue Service  via Electronic Funds Transfer (EFT) ,” ani Arum. “Top Rank has deposit confirmations for each payment. Top Rank has done the same for all U.S. endorsements it has facilitated on Manny’s behalf.”

Dahil sa freeze order, kinailangan ng 34-anyos na si Pacquiao na mangutang ng $22,700 (P1.1 milyon) para makabili ng relief supplies na kanyang ipinangako sa mga nasalanta ng bagyong ‘Yolanda’ sa Tacloban bago ang laban kay Rios.

Nauna nang nagbigay si Arum ng $25,000 (P1 milyon) matapos ang panalo ni Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. kay Vic Darchinyan sa relief efforts para sa mga biktima ng bagyo.

 

ARUM

AS I

BOB ARUM

BRANDON RIOS

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

DAVID DIAZ

ELECTRONIC FUNDS TRANSFER

PACQUIAO

TOP RANK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with