MANILA, Philippines - May kabuuang P4.1 milÂyon ang paglalabanang premÂyo sa anim na malalaÂking stakes races na magpapakinang sa 18th MARHO Breeders’ Cup ngayong haÂpon sa Santa Ana Park, NaÂic, Cavite.
Nasa 15 races ang matuÂtunghayan sa maghapon at ang siyam na iba pang raÂces ay mga trophy races na siÂnahugan ng P140,000.00 added prize sa mananalong kaÂbayo.
Bilang pagtulong din sa mga nasalanta ng bagyong 'Yolanda' sa Kabisayaan, ang MARHO ay magÂbiÂbiÂgay ng P2.1 milyon tulong sa mga biktima na ibabawas sa mga premyong pagÂlalabanan.
Halagang P20,000.00 ang kaltas sa premyo sa anim na stakes races, habang P10,000.00 ang sa naÂlalabing troÂphy races.
Tampok na karerang pagÂlalabanan ay ang San MiÂguel Beer-MARHO Cup Classics na inilagay sa 2,000-metro na may P1.5 milÂyong gantimpala at ang maÂnanaÂlo ay magkaÂkamit ng P830,000.00 premyo.
Ang atensyon ay tiyak na itutuon sa 2012 Horse of the Year na Hagdang Bato na gagabayan pa rin ni JoÂnaÂthan HerÂnandez.
Ito ang ikaapat na takbo lamang ng kabayo at ang huÂÂling paÂnalo ay naitala sa PCSO Silver Cup noong Hunyo 30 sa nasabing race track.