TMS-Army, Cignal wagi sa Grand Prix
MANILA, Philippines - Gumanang muli ang laÂro ni Jovelyn Gonzaga peÂro buÂmalik ang suporta ng kanÂyang mga kakampi paÂra ibigay sa nagdedepensang kampeon TMS-PhilipÂpine Army ang 25-23, 25-14, 25-18 panalo laban sa Petron sa Philippine Super LiÂga volleyball Grand Prix kaÂÂhapon sa Ynares Sports AreÂna sa Pasig City.
May 11 hits, kasama ang 9 kills si Gonzaga, nguÂnit si Thai import WaÂnitchaya Luangtonglang ay nakapaghatid ng 12 hits at ang mga beteranang sina Mary Jean Balse at Tina SaÂlak ay nagtambal sa piÂnagsamang 16 hits.
Sa first set lamang napalaban ang Lady TrooÂpers bago itinatak ang kalidad ng paglalaro sa huling daÂlawang set upang pawiin ang pagkatalo sa kamay ng PLDT MyDSL sa huling laÂro sa ligang inorganisa ng Sports Core na may basbas ng International Volleyball Federation (FIVB).
Kinailangan lamang ng Cignal ang 58 minuto para talunin ang baguhang RC Cola, 25-14, 25-11, 25-8, sa unang laro.
Nagkaroon na ng maÂgandang komunikasyon ang mga locals at ang daÂlawang Chinese guest plaÂyers ng HD Spikers para kunin ang ikalawang sunod na panalo matapos ang tatlong laro.
“Unti-unti ay nagkakaÂintindihan na ang mga plaÂyers ko. Maging ang mga Chinese imports ko ay guÂmagawa rin ng paraan paÂra maintindihan sila ng mga kakampi nila,†wika ni Cignal coach Sinfronio Acaylar.
Si Chie Saet ay may 12 puntos, habang ang mga guest players nila na sina Xie Lei at Li Zhangzhan ay tumapos taglay ang 10 at 8 puntos.
Wala namang manlalaÂro sa Raiders ang gumawa sa doble-pigura at ang imports na sina Zhang Minghua at Sontaya Kaewbundit ay may walo at pitong hits lamang para bumaba sa 0-3 baraha sa naturang anim na koponang torneo.
- Latest