MANILA, Philippines - Inamin ni dating American Idol runner-up Jessica Sanchez na bago para sa kanya ang pagkanta ng PhiÂlipÂpine national anthem.
Bukod sa Lupang Hinirang para kay Manny PacÂquiao, kakantahin din ngayon ng 18-anyos na Fil-AmeÂÂÂrican singer ang Star-Spangled Banner para kay MeÂxiÂcan-American Brandon Rios.
Ayon kay Sanchez, nagpaturo siya sa kanyang lola para sa tamang pagbigkas ng mga nota ng Lupang HiÂnirang.
Naging istrikto ang National Historical Institute (NHI) sa panonood sa mga kumakanta ng Lupang HiÂnirang sa mga malalaking event, kagaya ng mga laban ni Pacquiao.
Kabilang sa mga pinuna ng NHI ay sina Martin NieÂvera (Pacquiao-Ricky Hatton), Sarah Geronimo (PacÂquiao-Erik Morales III), Zyrene Parsad (Pacquiao-Antonio Margarito) and Jennifer Bautista (Pacquiao-Erik Morales II).