Patay kung patay sa Cotai: Pacquiao kontra Rios

MACAU -- Hindi na kailangan ng Pilipinas ng isa pang malaking trahed­ya.

Kaya pipilitin ni Man­ny Pacquiao, ang national treasure, na pigilan ito sa kanyang pag-akyat sa bo­­xing ring laban kay Brandon ‘Bam Bam’ Rios ngayon sa Cotai Arena.

Gagamitin ni Pacqui­ao ang lahat ng kanyang lakas para gawin ito.

Isa lamang itong non-title fight sa 147 pounds, ngu­nit malaki ang naka­ta­ya sa pagsagupa ng 34-anyos na si Pacquiao kon­­tra sa 27-anyos na si Rios.

“I’m not past my prime,” sabi ni Pacquiao na lalabanan si Rios nga­yong umaga para mapanood ng primetime au­dience sa United States.

Para sa halos 90 mil­yong Filipinos, ang pa­na­lo ni  Pacquiao ang ma­kakatulong para sa pag­bangon ng mga nasa­lanta ng bagyong ‘Yolanda’ na nagtala ng humigit-kumulang sa 5,000 tao sa Visayas Region.

Iniaalay ni Pacquiao ang laban para sa kanyang mga kababayan.

At anuman ang ma­ging resulta ng kanilang upakan ni Rios ay kaagad siyang uuwi ng Pilipinas bukas at didiretso sa Tac­loban.

Kahapon sa official weigh-in sa isang enclosed section ng 15,000-seat arena, nabaling ang aten­syon ni  Pacquiao sa pag­sigaw ng isang Pinoy sa audience.

“Para sa Tacloban! Pa­ra sa Tacloban!” wika ng lalaki.

Ang Tacloban, may la­yong 360 milya sa Manila, ang higit na sinalanta ng bagyong ‘Yolanda’.

Maaaring bumilang ng taon bago makabangon ang mga mamamayan ng na­sabing probinsya.

Subalit ang tagumpay ni Pacquiao ang magbibigay sa kanila ng dahilan pa­ra ngumiti.

“I want to bring happi­ness to the people,” sabi ni  Pacquiao, tumimbang ng 145 pounds.

Mas mabigat naman sa kanyang 146.5 pounds si Rios.

Kung matatalo si Pacquiao ay magpapatuloy ang pagluluksa ng bansa.

Dalawang sunod na be­ses na­bigo si Pacquiao no­­ong 2012.

Nabigo siya kay Timo­thy Bradley, Jr. noong Hunyo 9 at napatumba ni Juan Manuel Marquez sa sixth round noong Dis­yembre 8.

Ang kabiguan kay Ri­os ang maaaring maging huling laban ni Pacquiao.

At alam ito ng Sarangani Congressman.

Show comments