Patay kung patay sa Cotai: Pacquiao kontra Rios
MACAU -- Hindi na kailangan ng Pilipinas ng isa pang malaking trahedÂya.
Kaya pipilitin ni ManÂny Pacquiao, ang national treasure, na pigilan ito sa kanyang pag-akyat sa boÂÂxing ring laban kay Brandon ‘Bam Bam’ Rios ngayon sa Cotai Arena.
Gagamitin ni PacquiÂao ang lahat ng kanyang lakas para gawin ito.
Isa lamang itong non-title fight sa 147 pounds, nguÂnit malaki ang nakaÂtaÂya sa pagsagupa ng 34-anyos na si Pacquiao konÂÂtra sa 27-anyos na si Rios.
“I’m not past my prime,†sabi ni Pacquiao na lalabanan si Rios ngaÂyong umaga para mapanood ng primetime auÂdience sa United States.
Para sa halos 90 milÂyong Filipinos, ang paÂnaÂlo ni Pacquiao ang maÂkakatulong para sa pagÂbangon ng mga nasaÂlanta ng bagyong ‘Yolanda’ na nagtala ng humigit-kumulang sa 5,000 tao sa Visayas Region.
Iniaalay ni Pacquiao ang laban para sa kanyang mga kababayan.
At anuman ang maÂging resulta ng kanilang upakan ni Rios ay kaagad siyang uuwi ng Pilipinas bukas at didiretso sa TacÂloban.
Kahapon sa official weigh-in sa isang enclosed section ng 15,000-seat arena, nabaling ang atenÂsyon ni Pacquiao sa pagÂsigaw ng isang Pinoy sa audience.
“Para sa Tacloban! PaÂra sa Tacloban!†wika ng lalaki.
Ang Tacloban, may laÂyong 360 milya sa Manila, ang higit na sinalanta ng bagyong ‘Yolanda’.
Maaaring bumilang ng taon bago makabangon ang mga mamamayan ng naÂsabing probinsya.
Subalit ang tagumpay ni Pacquiao ang magbibigay sa kanila ng dahilan paÂra ngumiti.
“I want to bring happiÂness to the people,†sabi ni Pacquiao, tumimbang ng 145 pounds.
Mas mabigat naman sa kanyang 146.5 pounds si Rios.
Kung matatalo si Pacquiao ay magpapatuloy ang pagluluksa ng bansa.
Dalawang sunod na beÂses naÂbigo si Pacquiao noÂÂong 2012.
Nabigo siya kay TimoÂthy Bradley, Jr. noong Hunyo 9 at napatumba ni Juan Manuel Marquez sa sixth round noong DisÂyembre 8.
Ang kabiguan kay RiÂos ang maaaring maging huling laban ni Pacquiao.
At alam ito ng Sarangani Congressman.
- Latest