MANILA, Philippines - Mahusay ang naging pagdiskarte ni class C jockey RF Torres nang maipanalo niya ang dalawang kabayo sa idinaos na pista sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona Cavite noong Lunes ng gabi.
Unang nagwagi sa kamay ng hinete ang kabayong Herran sa race 3 bago isinunod ang Good As Gold sa suÂmunod na karera upang maging maningning ang kanÂyang gabi.
Naipalabas ng hinete ang itinatagong tulin ng HerÂran nang maisantabi ang halos dalawang dipang agÂwat na hawak ng Makisig sa huling 75-metro ng 1,300-metro karera sa class division 3.
Lamang ang Makisig mula sa simula ng karera, habang ang Herran at Tribal King ni Pat Dilema ang naÂkabuntot dito.
Bumitaw ang Tribal King sa kalagitnaan ng laba-nan upang maiwan ang Makisig na hawak ni RM TelÂles at Herran na magbakbakan sa karera.
Halagang P16.00 ang ipinasok ng win, habang ang dehadong 1-2 forecast ay nagkahalaga ng P142.00 diÂbiÂdendo.
Mahusay naman na naipuwesto ni Torres ang Good As Gold sa balya para pagpasok sa rekta ay mauna na ang tambalan.
Pumangalawa ang Friends For Never na tumakbo kasama ang coupled entry na Mrs. Gee at ang 4-5 forecast ay nagbigay ng 76.50 matapos ang P31.50 dibidendo sa win.
Kuminang din ang pagdiskarte ni Mark Alvarez na tinapatan ang dalawang panalo ni Torres sa mga kabayong Petronas at Boomerang.
Hinalinhinan ni Alvarez si AB Serios, tinalo ng Petronas ang hamon ng Simply Believe sa class division 1A, habang ang Boomerang na dating sakay ni GM MeÂjico ay nangibabaw sa hamon ng Hello Apo tungo sa ikalawang dikit na panalo ng kabayo.