^

PM Sports

Gilbuena, Poliquit sa Tarlac Milo Marathon

Pang-masa

TARLAC City – Ginamit ni Miscelle Gilbuena ang kanyang pamilyaridad sa ruta para sa kanyang back-to-back victory sa 37th National MILO dito habang hindi naman sumuko si veteran runner Rafael Poliquit  upang maungusan ang dating Milo Marathon king na si Julius Sermona sa men’s division race.

Nagulat na lang ng 24-gulang na si Poliquit na kasabayan na sina Sermona at Elmer Sabal ngunit nagawa niyang lumayo sa huling 10-metro ng karera na kanyang tinapos sa 1:12:38.

Pumangalawa si Sermona sa oras na 1:12:47 kasunod si Sabal  sa 1:13:53.

Sa distaff division, maagang kinuha ng 25-gulang na si Gilbuena ang liderato. Matapos magpapetiks-petiks sa simula ng karera, nakuha ni Gilbuena ang pace at nakasabay sa mga lalaking runners at tumawid ng finish line sa oras na 1:28:06. Ang second placer noong nakaraang taon na si Berna Pulmano ay pumangalawa sa 1:36:13 kasunod si Melinda de los Reyes sa 1:42:16.

Sina  Gilbuena at Poliquit ay parehong miyembro ng Philippine Air Force.

Ang huling regional qualifying leg ay sa Angeles City sa Linggo bago ang National Finals sa MOA grounds sa Dec. 8.

 

vuukle comment

ANGELES CITY

BERNA PULMANO

ELMER SABAL

GILBUENA

JULIUS SERMONA

MILO MARATHON

MISCELLE GILBUENA

NATIONAL FINALS

PHILIPPINE AIR FORCE

POLIQUIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with