Crucis target na masikwat ang Eduardo Cojuangco, Jr. Cup

MANILA, Philippines - Palalakasin ng Cru­cis ang hangaring k­ilalanin bilang pinaka­ma­husay na imported horse sa pag­pun­tirya sa ti­tu­lo sa 2013 Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup nga­yon sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Lima lamang ang ka­bayong maglalaban-la­ban, kasama ang isang coupled entry, at inaasahang mapapaboran ang Cru­cis na dinomina ang Im­ported Stakes Race at ang Don Antonio Floirendo Golden Girls Stakes ra­ces.

Si Pat Dilema pa rin ang hinete ng kabayo na mag­tatangkang manalo sa 2,000-metro distansya.

Sinahugan ang karera ng P2 milyong gantimpa­la ng Philippine Racing Com­mission at ang mag­ka­kampeon ay mag-uuwi ng P1.2 mil­yong premyo.

Ang breeder ay may P60,000.00 prem­­yo.

Ang iba pang kaba­yong kasali ay ang Gentle Iro­ny (JB Guce), Kornati Island (KE Malapira), Oh Oh Seven (JB Hernandez) at Juggling Act (FM Ra­quel, Jr) at Tritanic (JPA Guce).

Bukod sa maganda ang ipinakikita sa mga hu­ling takbo, napapaboran pa ang Crucis sa handicap weight na ibinigay sa  mga tatakbo.

Ang premyadong ka­bayo na pag-aari ni da­ting Philracom commissioner Marlon Cunanan ay binigyan ng 53-kilos han­dicap weight tulad ng Kor­nati Island.

Mas magaan ito ng apat na peso sa mga ma­ka­karibal na dating kam­pe­on Juggling Act at Gen­tle Irony.

Ang papangalawa ay may P450,000.00 prem­yo, habang ang papangatlo ay may P250,000.00 at P100,000.00 ang papang-apat sa datingan.

Anim na iba pang ka­rera sa 13 ang nasa prog­rama ang itinalaga bilang Philracom/Metro Turf Tro­phy Race at ito ay sina­hugan ng P20,000.00 na added prize.

 

Show comments