Clippers interesado pa rin kay Odom

LOS ANGELES -- Nagkausap sina coach Doc Ri­vers at ilang miyembro ng Los Angeles Clippers ma­nagement kay Lamar Odom sa loob ng dalawang oras ma­tapos ang kanilang team practice noong Biyernes, sabi ng sources sa Yahoo Sports.

“Everyone was shocked, but it was a good surprise,” wi­ka ng isang Clippers source sa pagsulpot ni Odom.

Nagulo ang buhay ni Odom sapul noong offseason dahil sa alegasyon ng pagkagumon niya sa ilegal na droga, ang pagkaaresto sa kanya noong Agosto dahil sa pagmamaneho ng lasing at ang kanilang away ng asawang si  Khloe Kardashian.

Nang mangyari ito ay minabuti ng Clippers na kunin si Antawn Jamison para sa isang one-year deal sa halip na si Odom.

Show comments