Rose hindi nakalaro dahil sa sumasakit na hamstring

TORONTO -- Hindi nakapaglaro si Derrick Rose pa­ra sa laban ng Chicago Bulls kontra sa Raptors dahil sa pa­nanakit ng kanyang right hamstring.

Ito ang pahayag ni coach Tom Thibodeau kasabay ng pagsasabing muling ipapatingin si Rose bago labanan ng Bulls ang Indiana Pacers sa Sabado.

Nalasap ni Rose ang injury nang sumalaksak para sa isang layup sa fourth quarter sa kanilang laro ng Cleveland Cavaliers noong Lunes.

Ang 2011 NBA MVP ay nagtala ng mga averages na 14.7 points at 4.5 assists sa anim na laro matapos hindi makalaro sa nakaraang season dahil sa kanyang left knee surgery.

Si Kirk Hinrich ang pumalit kay Rose sa pagharap sa Raptors, habang sina Marquis Teague at Mike James ang nagsilbing back up.

 

Show comments