MANILA, Philippines - Nakatakdang sumabak ang women’s softball team sa 14th Women’s Softball World Championship Asian qualifier sa Chinese-Taipei.
Ang torneo ay bubuksan sa Nobyembre 25.
Sasandalan ng koponan ang kanilang ekperyensa sa paglahok sa Southeast Asian Games at sa Little League World Series para sa kanilang kampanya sa naturang Women’s Softball World Championship Asian qualifier.
Ang 10 manlalaro sa naÂtional team ay miyembro ng grupong nagreyna 2011 SEA Games sa Palembang, Indonesia.
Ang delegasyon ay aalis sa Nobyembre 24 kasunod ang kanilang laban sa ChiÂnese-Taipei kinabukaÂsan.
Sa Nobyembre 26 ay laÂlabanan ng tropa ang China at ang Japan kasunod ang Hong Kong at ang South KoÂrea sa Nobyembre 27.