Phl Azkals 1-1 draw laban sa Blue Tigers

MANILA, Philippines - Nauwi sa 1-1 draw ang international friendly ng Philippine Azkals kontra sa India noong Biyernes sa Kanchenjunga Stadium sa Siliguri, India.

Si team captain Sunil Chhetri ang nagbigay sa India ng 1-0 kalamangan mula sa kanyang header buhat sa pasa ni Mehtab Hossain sa 43th minute.

Ito ang pang-42nd international goal ni Sunil na ipinagbunyi ng Blue Tigers.

Tumabla ang Azkals nang bigyan ng magandang pasa ni James Younghusband ang kanyang utol na si Phil para makatabla sa 43rd minute.

Nakakonekta si Phil galing sa low cross ni Schrock sa 67th minute, subalit ito ay itinawag na offside.

Lumampas naman ang header ni Jeje Lalpekhlua sa huling opensa ng India.

“The last header which India missed luckily sailed over,” sabi ni Azkals coach Michael Weiss sa website ng All India Football Federation.

Ayon kay Weiss, mas nagkaroon ng mas maraming tsansa ang Azkals na makaiskor laban sa Blue Tigers.

“We had more of the ball and created plenty of opportunities in the second half. We could have won the game but India can say the same as they missed a great chance in stoppage time,” ani Weiss sa Sportskeeda.com.

Show comments