Cagayan Valley nakatikim ng talo sa Hog’s Breath
MANILA, Philippines - Tinapos ng Hog’s Breath Café ang apat na sunod na panalo ng Cagayan Valley gamit ang 82-78 tagumpay sa PBA D-League Aspirants’ Cup kagabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Sina Philip Paniamogan ay mayroong 18 puntos habang si Paul Sanga ay naghatid pa ng 16 at ang Razorbacks ay sumandal sa 19-2 palitan sa huling limang minuto para kunin ang ikalawang sunod na panalo.
Si Sanga rin ang nagbigay ng go-ahead basket sa kanyang triple sa hu-ling dalawang minuto.
“Hindi sila bumigay at nagtiyaga sa pagdepensa,†wika ni Razorbacks assistant coach Joel Jabar na siyang dumiskarte kahalili ni headcoach Caloy Garcia na kasama ng Letran sa NCAA Finals.
May 16 puntos si Don Trollano pero sina John Pinto, Ken Ighalo at Adrian Celada ay hindi uma-bot sa double digits para lasapin ng Rising Suns ang unang kabiguan.
Tinapos ng Boracay Rum ang dalawang dikit na kabiguan gamit ang 73-63 dominasyon sa NU-Banco de Oro habang inangkin ng Jumbo Plastic ang ikatlong panalo sa apat na laro sa pamamagitan ng 80-62 tagumpay sa Zambales M-Buillders sa ibang mga laro.
Tig-20 puntos ang ginawa nina Mark Belo at Chris Banchero para sa Waves na pinanood mismo ng team owner na si Bong Tan.
Mayroon pang pitong assists at tatlong steals si Banchero para dominahin ang match-up nila ni two-time UAAP MVP Bobby Parks Jr. na pinangunahan pa rin ang Bulldog sa kanyang 11 puntos.
Sina Elliot Tan at Karl Dehasa ay nagtambal sa 6-of-10 shooting sa 3-point line tungo sa tig-16 puntos para katampukan ang dominasyon ng Giants sa Builders.
Umangat ang Giants sa 3-1 habang nalaglag sa 2-3 ang Builders. Ang Bulldogs ay natalo sa ikatlong sunod na laro.
- Latest