MANILA, Philippines - May konting lamat sa kanyang buto sa pisngi, sinabi kahapon ni former four-time world boxing champion Nonito Donaire, Jr. na hihintayin muna niya ang utos ng duktor bago magdesisyon kung kailan uuwi at idaraos ang binyag ng anak na si Jarel sa Manila.
Sinabi ni Donaire na tinamaan siya ni Vic Darchinyan sa fourth o fifth round at naramdaman ito sa kanyang pisngi.
Isang CT-Scan ang nagpakita sa isang hairline fracture na hindi naman mangangailangan ng surgery.
Ayon kay Donaire, tatlo hanggang apat na buwan niyang pagagali-ngin ang kanyang injury.
Sinabi pa nito na siya ay gagamutin ni otolaryngologist Dr. James Wu sa Seton Medical Center sa Daly City na malapit sa San Francisco.
Ipinatingin siya kay Dr. Wu ni Dr. Shabi Khan na umayos sa kanyang napunit na litid sa kanang balikat nang matalo siya kay Guillermo Rigondeaux noong Abril.
Walang nararamdaman na sakit si Donaire sa kanyang cheekbone.
“We want to be sure there is no bone protrusion,†sabi nito. “The initial reading is it’s nothing serious, that it will heal by itself and no surgery is required. We’ll consult with doctors then decide when to come home. Hopefully, we’ll be home for Christmas.â€
Ang rematch kay Darchinyan ang nagtulak kay Donaire sa sukdulan kung saan naipakita ng Filipino Flash ang kanyang husay bagamat naiwanan sa dalawa sa tatlong scorecards ng mga judges.
Pinatumba niya si Darchinyan sa 2:06 sa ninth round.
Inihinto ni referee Laurence Cole ang pag-rapido ni Donaire kay Darchinyan na wala nang depensa sa corner.