D-Rose day-to-day status dahil sa hamstring injury

CHICAGO  -- Sinabi ng Chicago Bulls na nasa day-to-day status si Derrick Rose dahil sa namamagang kanang hamstring.



Nasaktan si Rose matapos mag-drive sa lane para sa twisting layup may 3:39 minuto ang natitira sa 96-81 panalo ng Chicago kontra sa Cleveland noong Lunes ng gabi. Nanatili siya sa laro ng ilang minuto bago tumawag si coach Tom Thibodeau ng timeout para ipasok si Kirk Hinrich.



Ayon kay Rose, isa lamang itong minor sprain pagkatapos ng laro at ang akala ng 2011 NBA MVP ay makakalaro siya nitong Biyernes sa at Toronto.

Show comments