MANILA, Philippines - Bagama’t nagtala ng ninth-round technical knockout win, mahina ang naging performance ni Nonito Donaire sa mga naunang rounds nitong weekend sa kanyang laban kontra kay Vic Darchinyan at sinasabing dahil ito sa injury na natamo niya sa kaagahan ng laban.
Iniulat ni Dan Rafael ng ESPN.com na posibleng naapektuhan si Donaire ng kanyang tama sa pisngi sa kanilang 10-round featherweight fight ni Darchinyan sa American Bank Center sa Corpus Christi, Texas.
Sa tingin ng marami ay matatalo na si Donaire sa laban bago niya napuruhan si Darchinyan.
Sinabi ni Cameron Dunkin, manager ni Donaire na sumailalim ang kanyang alaga sa post-fight X-ray test kung saan nakita ang isang maliit na fracture.
“[The X-ray] showed maybe a hairline fracture, but not a significant one. We think it will heal, as opposed to Nonito needing surgery. So it may be fine. We’re thinking it will be fine. But he’ll have the MRI on Tuesday to be sure what is wrong,†ani Dunkin.
Tumanggap si Donaire ng ilang mala-lakas na kaliwa mula kay Darchinyan sa laban at naghahabol sa scorecard ng dalawang judges bago itigil ang laban.
Pinabagsak ng Filipino-American si Darchinyan sa pamamagitan ng left hook sa kalagitnaan ng ninth round at tulu-yang umatake na sanhi upang itigil ni referee Lawrence Cole ang laban sa 2:06 minuto ng lng.
Sinabi ni Dunkin na naapektuhan si Donaire ng maagang tama sa pisngi.
“After the fight, he said he was not in any real pain, but he was uncomfortable. It happened when he got hit with a looping overhand left in the third or fourth round,†ani Dunkin.
Wala namang mala-king problema at inaasahang babalik na sa ring si Donaire sa Jan. 25 sa isang boxing card sa New York. Posibleng si fea-therweight titlist Nicholas Walters (23-0, 19 KOs) ang makakalaban ni Donaire.
- Sinabi rin ni Donaire na nais niya na magkaroon ng rematch laban kay Cuban Guillermo Rigondeaux na tumalo sa kanya sa puntos para sa WBO at WBA super bantamweight belts noong April. (DMagaray)