May pag-asa sa poomsae sa Myanmar SEA Games
MANILA, Philippines - Senyales ng isang matagumpay na kampanya sa Myanmar SEA Games ang produktibong resulta ng ipiÂnadalang poomsae team sa idinaos na 8th World Poomsae Championships sa Bali, Indonesia.
Matatandaan na nanalo ang Pilipinas ng tatlong ginto, dalawang pilak at isang bronze medal sa World ChamÂpionships upang tumapos sa ikatlong puwesto sa overall.
“Sasali tayo sa SEA Games galing sa World Championships. Nasa 50 countries ang kasali rito at Olympics ng poomsae kaya maganda ang nakikita kong kaÂlalabasan sa Myanmar,†wika ni national head coach Igor Mella na nakasama ang mga poomsae jins na sina Janice LagÂman, Rani Ortega at Jocel Lyn Ninobla bukod kay John Paul Lizardo sa PSA Forum.
Si Mikaela Calamba na hindi nakadalo sa forum, ay nanalo ng dalawang ginto at siya ang makakasama nina Lagman at Ortega na lalaban sa women’s team.
Nanalo ng apat na ginto ang taekwondo sa Palembang SEA Games noong 2011 at isa rito ay galing sa poomsae na ibinigay ng women’s team nina Lagman, Ortega at Camille Alarilla.
Nakikita naman nina Lagman at Ortega, mga daÂting world champions, na mapapalaban ang Pilipinas dahil gumaling ang ibang SEA countries katulad ng Vietnam na pumangalawa sa overall at ang Thailand at Indonesia na nasa top ten.
“Myanmar is hiding and did not participate in the World Championships. We are excited but not underestimating our rivals and we are working hard in traiÂning,†paniniyak ni Lagman.
Hindi naman magpapahuli ang mga jins na sasaÂlang sa sparring at magsisikap na mapantayan o hiÂgitan ang tatlong ginto na nakuha sa Indonesia.
Si Kirstie Elaine Alora lamang ang babalik na nagÂdedepensang kampeon sa Myanmar pero hindi magÂpapahuli ang ibang kasamahan na binigyan ng maÂtinding pagsasanay sa buong taon.
Ang Asian Youth Games gold medalist Pauline LoÂÂpez, Samuel Morrison at rookie Francis Aaron AgoÂjo ang mga iba pang palaban sa ginto. Si Agojo ang maÂkaÂkahalili ni Lizardo, kampeon noong 2011, na may iniÂindang hamstring avulsion injury sa kaliwang paa na nakuha sa World Championships noong Hulyo.
“There is no secret in taekwondo except to train hard. We never stop training so our chances of winning in the SEA Games is very good,†ani Mella. (AT)
- Latest